CLEVELAND– Ang tanging basket ni Stephen Curry sa unang 30 minuto ay nanggaling sa isang broken play.
Muli siyang nalagay sa foul trouble at hindi pumapasok ang kanyang mga jumpers para sa Golden State Warriors.
“Nothing about my preparation for tonight, mentally or physically, was different,” sabi ni Curry matapos ang kabiguan ng Warriors sa Cleveland Cavaliers sa Game 2. “Just didn’t go out and execute the way I wanted to.”
Sa kabila ng pagkatalo ay hawak pa rin ng Warriors ang 2-1 bentahe sa serye nila ng Cavaliers.
Nakatakda ang Game 4 sa Biyernes (Sabado sa Pilipinas) sa Cleveland.
“We weren’t tough enough,” wika naman ni Warriors coach Steve Kerr.
“We weren’t strong enough with the ball. We were soft tonight.”
Umiskor si Curry ng 19 points na ikatlong sunod na pagkakataon sa serye na hindi siya tumapos sa 20 points.
Ito rin ang pangatlong beses na nagtala siya ng under-20 games sapul noong March 2015.
Nang magsimulang ‘di pumasok ang mga tira ni Curry ay natiyak na ng Cavaliers ang kanilang panalo.
Umiskor si Curry ng 13 points sa third quarter matapos magtala ng 2 sa first half.
Sa isang bahagi ng laro ay tinanong siya ni Kerr na “You all right?” nang umupo siya sa bench area matapos ang timeout
“I’m fine,” giit ni Curry, nagkaroon ng knee at ankle injury sa postseason.
Ngunit sa kanyang inilaro ay tila hindi maganda ang pakiramdam ni Curry.
Tinanong si Kerr kung ikukunsidera niyang magpalit ng lineup sa Game 4.
“We just lost one game,” nakangiting sagot ni Kerr . “Change the starting lineup? We weren’t ready to play. They punched us right in the mouth.”
Let’s get in touch.
We’d love to hear from you.
2/F RFM Corporate Center, Pioneer cor. Sheridan Sts. Mandaluyong City, Metro Manila, Philippines