Recently, I had interviews with Angelo Palmones of DZRH, and Rowena Salvacion and Emil Sumangil of DZBB, where we talked about the strategic importance of focusing our vaccines in the National Capital Region (NCR). We discussed how focusing and succeeding in NCR can increase our country’s confidence in the vaccines and how this could serve as a potential source of hope and inspiration to every Filipino. Here are some highlights of those interviews:
On vaccination target and strategizing in NCR with Angelo
Angelo: Ilan ang target natin na bakunahan? Kasi mukhang ang sinasabi po ng IATF, sabi ni Sec. Galvez, we will just eye for 50 percent at least. Eh ang private sector, ilan po ang target po ninyo?
Joey: Ang target namin with AstraZeneca ay 17 million doses, six million niyan ay para sa private sector, yung balanse naman ay para sa LGU, that’s 11 million. Pero kung susumahin kaming lahat na tumulong dito sa pagkuha ng vaccine sa private sector, it’s already 13 million doses — six million from AstraZeneca and an additional seven million from Moderna. Sa Novavax at Covaxin, aabutin siguro ito ng mga three million doses for the private sector.
Kung titignan natin, we are trying to achieve a target dito sa NCR. It’s ideal na mag-focus muna tayo sa NCR to attain herd immunity kasi medyo ambitious na mag herd immunity tayo sa buong Pilipinas within the year, baka mahirapan yan if within the year. Kung i-focus natin ang vaccination sa NCR, since dito ang pinakamalaking problema ngayon on the ground and to our economy, malaki ang magiging epekto niyan since malawak ang activity dito sa NCR at focused dito ang malaking contribution to our GDP. Like in a warfare, ang importante is to focus on the epicenter.
Angelo: Sana nga po by 2022, humupa na po ang problema natin globally dahil nakikita natin ang ibang situation like India.
Joey: Well, ibang klase yung sa India dahil talagang lumuwag yung protocols at pagbukas nila ng ekonomiya. Nagpatuloy yung mga religious activities nila at malaking part ng population nila ang nagsama-sama, kaya nagkahawa-hawa. Kaya tayo, dapat mag-ingat tayo at importante talaga na mabakunahan tayo because this is the only solution that we can balance saving lives and livelihoods.
Sa ginagawa nating wearing of mask, face shield, and social distancing, it only allows us to co-exist, pero hindi talaga yan ang solusyon. If we want to win this war, i-focus muna natin sa NCR, after winning in NCR by achieving herd immunity, then madali na ang ibang lugar kasi we proved already that we can win in one area. Kaya lahat ng vaccine, kailangan ibuhos muna dito sa NCR, yon ang balak ni Sec. Charlie, pati yung private sector sa NCR din namin ibubuhos, including our donation to the national government. It was nice that Sec. Charlie asked us where we want to focus our donation to them and we said NCR, that’s the aim. It is more attainable to say that we can achieve herd immunity in NCR before the end of the year.
On the three strategies and focusing on NCR with Rowena and Emil
Emil: Sir, ayon po dito sa aming research, meron po kayong isinasagawa na Let’s Go Bakuna, yung information and education campaign para labanan po yung vaccine misinformation, pati na po ang pag-aalangan ng ating mga kababayan dito po sa bakuna? Kumusta po ito, sir? Kung kayo po ang tatanungin, marami na po ba ang mga gustong magpabakuna o marami pa ding nag-aalangan?
Joey: So tatlong strategies yan, let me explain yung plano ng private sector. Kailangan natin i-focus yung gyera natin sa NCR kasi eto ang epicenter ng infection at yung ekonomiya natin ay nakasalalay dito sa NCR dahil malaki ang contribution ng NCR sa Philippine economy, there are 13 million people here. Yung darating na vaccines sa private sector, almost 13 million doses na yan from AstraZeneca and Moderna, dagdag mo pa ang from Novavax and Covaxin, yan ang tinutulong namin na mga vaccines, so kailangan may focus tayo dito.
We can achieve herd immunity kung number one, we successfully secure the vaccines. Andyan na yan, nakuha na natin. Number two is vaccine confidence. Yan, medyo may kulang tayo. Yung vaccine confidence natin dapat tumaas, at least mga 80 percent. Kaya inilunsad namin ang Let’s Go Bakuna, itong kampanya na ito will reach radio, social media, television, and tabloids, lahat yan showcasing bakit importanteng kunin ang bakuna.
COVID-19 ang kalaban natin at bakuna lang ang solusyon natin para iligtas ang buhay at kabuhayan, kaya importante na mag pa -bakuna na ang mga citizens natin at mga empleyado, especially the frontliners in various sectors. Then the last one is implementation. Yung sinasabi mo kung preparado ba ang private sector, magaling ang private sector diyan sa pag-iimplement kasi sanay na kami diyan. So ang tatlong bagay na yan ang importante.
Rowena: Sir, yung inyo pong naorder at pagdating dito ng bakuna, bulto po niyan ay para sa NCR workers at sa inyong mga kompanya? Paano po yung sa mga lalawigan? Mga branches niyo po doon?
Joey: Sa mga branches ng mga corporations, Zuellig ang magpapadala diyan sa mga lugar katulad ng Cebu at Davao. Pero yung donation naming AstraZeneca para sa government, kinausap namin si Sec. Charlie kung pwedeng i-focus lang yan sa NCR para talagang tuloy-tuloy ang tagumpay natin dito. Dapat manalo tayo dito sa gyera sa NCR dahil magiging inspirasyon yan sa ibang mga lugar at para na rin sa mga tao nating nawalan na ng pag-asa, may victory tayo, we will achieve herd immunity by end of the year sa NCR.
If you look at America and Singapore, tignan lang natin na malubhang-malubha ang situation nila last year, pero tignan mo ngayon, halos back to normal lahat sila. Sa California, ibinalita ng mga pinsan namin na okay na, na pwede ng lumabas, ang mga restaurant din nila marami ng mga tao. Yung level of infection nila ay bumagsak dahil talagang nagtagumpay sila sa vaccination program nila, it helped na sila ang may-ari ng apat sa world leading vaccine makers, Pfizer, Moderna, Johnson & Johnson, and Novavax, pero yan talaga ang resulta ng isang magaling na vaccination program.
Also as we talk about sources of hope and inspiration, I would like to express my condolences to the family of Rey Lapid, the man behind the success of the iconic R. Lapid’s Chicharon & Barbecue—to Violy and his children King, Ryan, and Anais. A great friend and an even better greater mentor to our mentees, Rey gave hope and served as an inspiration to many of our aspiring entrepreneurs, he was one of the most loved and well-received mentors. We will miss you, Rey.
Let’s get in touch.
We’d love to hear from you.
2/F RFM Corporate Center, Pioneer cor. Sheridan Sts. Mandaluyong City, Metro Manila, Philippines