Last Sunday, I was interviewed by Atty. Joey Lina in Sagot Ko ‘Yan. We talked about the details of the ‘A Dose of Hope’ project, along with the second batch of orders approved by AstraZeneca. Here are some highlights from our conversation:
Atty. Joey: Ano po itong ating hinihiling na payagan ang mga private firms to import this COVID-19 vaccine? Bakit po humantong pa sa ganitong sitwasyon na kinakailangang ang pribadong sektor ang umangkat ng COVID-19 vaccine?
Joey: Kasi, itong programa ng AstraZeneca na zero-profit ay meant to help our Philippine government. Now, pinag-isipan ng private sector kung paano rin kaming makakatulong sa empleyado namin. So nag-usap kami ng AstraZeneca, we developed a plan that we will buy the vaccine from AstraZeneca and we will donate all of it to the government. We requested that half of the vaccines be given to our employees who are frontliners, and the other half to the government frontliners, para makatulong din yung private sector. So si Secretary Galvez and the CEO of Astra, Lotis Ramin, bumuo kami ng tripartite agreement. There are other provisions there, but the most important is the whole process of the donation and ilang percent ang mapupunta sa private sector. So it’s basically a win-win, halos kalahati ng bibilhin namin, libre for the government, at ang kalahati, libre para sa mga empleyado namin.
Atty. Joey: Marami bang kumpanya dito sa ating bansa na tutulong sa ganitong programa na sila mismo ang bibili at kalahati ng kanilang mabibiling vaccine ay ido-donate sa gobyerno? Ang tanong na ito ay ating napag-isipan dahil maraming kumpanya rin ang umaaray dahil sa hina ng negosyo.
Joey: So, dalawang part ito. Noong nag-umpisa ‘to, 35 companies lang ang sumali. Dati kasi itong pinakamalalaking kumpanya natin dito sa Pilipinas, yung Ayala, SM, sila Lucio Tan, Gokongwei, Lopez, at marami pang large companies. Nahirapan din silang tumulong kasi marami na din silang nadonate dito sa pandemya natin mula March 2020, medyo tinamaan din sila, katulad ng Gokongwei at Tan sa airlines nila, yung mga hotel at casino nila Enrique Razon, ang mga malls, Ayala at SM din. So halos lahat, hindi lang MSMEs ang tinamaan dito, mas lalo pa ang malalaking corporation, ang mga bangko din, tumaas ang non-performing loans nila.
Pero nakikita namin sa private sector, kung di kami tutulong, walang mangyayari sa bansa natin. Itong pamamaraan ng social distancing, wearing of face masks, social distancing, it is a way to co-exist with the virus, pero hindi ‘yan para sugpuin ang virus, it is not the cure, it will not solve our economic problems. It will just allow us to run our business but the threat of infection level going up is still there.
So nakita ng private sector na dapat ang mismong solusyon dito sa virus sa ating bansa ay ang vaccine. So yung programa ng AstraZeneca na zero-profit ay talagang magaling kasi it’s a special price for countries that really can’t afford the more expensive vaccines. And this is only for the year 2021, come 2022, wala na ang programa ng AstraZeneca. Tumulong ang private sector, halos 2.6 million doses ang binili namin, sa tingin ko at 5$ per dose, malaking tulong ang binigay ng private sector.
Humingi pa kami ng request sa AstraZeneca kung pwede pa nilang ipagpatuloy sa isang round 2, kasi maraming medium enterprises rin at mga small business na gustong bumili. Sinabi namin sa Astra, mas maganda kung palawakin pa natin sa iba pang kumpanya na kayang bumili ng vaccine. So yung part 2, ‘yan ang ginagawa namin ngayon. Medyo maganda ang result, siguro, close to 240 companies ang sumali dito pero di pa tapos ang lahat nang ginagawan namin ng documents. Yung MHRA for AstraZeneca, lumabas na, approved na sila – meaning they can already start selling the vaccine. Tumaas tuloy ang demand and nawalan ng supply.
Atty. Joey: Mabuti at binigyan mo ng linaw na iba ang rules ng paggamit ng pera ng gobyerno na hindi pwedeng gamitin ang pera ng gobyerno sa mga bagay na hindi pa sigurado na para bang sinusugal mo ang pera ng gobyerno. Marahil, isang lesson dito, ay tignan din ang mga batas natin na kung may ganitong pandemya, baka pwedeng payagan ng gobyerno na mag-advance.
Joey: Tama ka, maybe our congressmen who are listening to your show could be open-minded na sa isang pandemic, kung andyan naman yung malalaking bansa na may kumpyansa katulad ng nangyari sa Pfizer at Moderna, nauna syempre ang America at iba pa na may pera at walang restrictions sa pagbili ng vaccine na hindi approved, nakuha nila yung supply. Siguro in the future, if it’s not too late. Pero, siguro within this year, lahat ng ‘yan maa-approve or disapprove for use.
Let’s get in touch.
We’d love to hear from you.
2/F RFM Corporate Center, Pioneer cor. Sheridan Sts. Mandaluyong City, Metro Manila, Philippines